35 pamilya nawalan ng tirahan pagkatapos ng landslide
MANILA, Philippines - May 35 mahihirap na pamilya sa bayan ng Arakan sa North Cotabato ang nawalan ng tirahan matapos matamaan ng landslide ang kanilang gma bahay nitong Miyerkules.
Ayon kay Arakan Mayor Rene Rubino, limang bahay sa Barangay Napaliko ang natabunan ng lupa matapos ang landslide dulot na rin ng malalakas na pag-ulan nitong mga nakalipas na dalawang araw.
Swerte naman na walang nasaktan o namatay sa insidente, ani Rubino.
Samantala, nagpadala na si North Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza ng mga tauhan mula sa provincial government upang bigyan ng karampatang ayuda ang mga nasalanta ng landslide.
Nagpadala na rin ng mga relief goods ang provincial government para sa 35 pamilya.
- Latest