MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang bandidong Abu Sayyaf na sangkot sa serye ng kidnapping sa isinagawang operasÂyon ng mga awtoridad sa liblib na bahagi ng Barangay Sangali sa Zamboanga City noong Lunes ng hapon.
Isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Jimmy “Abu Doc†Nurilla, 34; at Bakrin Haris na kapwa tauhan nina Abu Commander Furuji Indama at Kumander Khair Mundos.
Inaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Zamboanga City Regional Trial Court Branch 16.
Gayon pa man, nakatakas ang dalawa pang kidnaper na kasamahan ni Nurilla na sina alyas Wahid at Leo.
Base sa record, sina Nurilla at Haris ay sangkot sa pagdukot sa Australyanong si Warren Rodwell sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay noong Disyembre 2011 kung saan pinalaya matapos ang 15-buwan pagkakabihag.
Sangkot din ang grupo ng dalawa sa pagdukot sa 14-anyos na si Kevin LunsÂman noong Hulyo 2011 na nakatakas matapos ang 5-buwan.
Maging ang pagdukot sa pamangkin ni dating ARMM regional director (ret) Chief Supt. Sukarno Ikbala na si Sabrina Voon sa Zamboanga City noong Pebrero 2014 na hawak pa rin sa kasalukuyan at ang gurong si Cathy Casipong ng Sibogtok Elementary School sa Limaong Island na kinidnap naman noong Disyembre 2013.