P500,000 reward sa killer ng hotel tycoon

MANILA, Philippines - Limandaang libong piso o kalahating milyon (P500,000) ang reward na nakalaan para sa sinumang makapagtuturo sa suspek sa bilyonaryong negosyante ng Cebu na si Richard Lim King na pinagbabaril sa gusaling pag-aari nito sa Davao City noong Huwebes ng gabi.

Inianunsyo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na P300,000 ang pabuya na nakahanda niyang idinag­dagdag sa P200,000 na inialok ng pamilya ni Richard Lim King, 57-anyos.  

Si King, may-ari ng  Crown of Regency Hotels, Towers­ Cebu  at mga resort ay pinagbabaril sa  gusali ng Vital C Products na pag-aari rin nito sa isang pagtitipon ng mga distributor ng naturang health supplement sa Sobrecarey Street, Brgy. Obrero sa lungsod ng Davao noong Huwebes ng gabi.

Samantala, sinabi naman ni Davao City Police Director P/Sr. Supt. Vicente Danao Jr. na isa sa malakas na anggulo na sinisilip nila sa kasong ito ay alitan sa negosyo na po­sibleng motibo ng pagpatay kay King.

 â€œMay nabalitaan po kasi kami na maraming nakaaway itong biktima diyan sa Cebu, kung galit yung tao, susundan mo talaga siya, hindi siya taga rito, Cebu based businessman siya (King)”, ang sabi pa ng opisyal.

 

Show comments