Nene kritikal sa stray bullet

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Agaw buhay ngayon ang isang 2 anyos na batang babae makaraang aksidenteng tamaan ng ligaw na bala habang naghahapunan sa Brgy. Muraya, San Juan, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Camille Rivera.

Sa ulat ni Ilocos Sur Asst. Director for Operation Supt. Feliciano Gubatan, kasalukuyang naghahapunan ang mag-anak na Rivera sa kanilang kusina dakong alas-7:30 ng gabi nang umalingaw­ngaw ang putok ng baril at tinamaan ang dibdib ng biktima.

Isinugod ng kanyang mga magulang na sina Carlito at Mary Joy Rivera ang bata sa Magsingal District Hos­pital subalit dahil sa maselan nitong kalagayan ay inilipat siya sa Gabriela Silang Ge­neral Hospital sa Vigan City. Isinasailaim pa ng pulisya sa masusing imbestigasyon ang kasong ito.

 

Show comments