Employee kinatay sa boarding house, coed grabe

Batangas, Philippines — Patay ang isang 20 anyos na em­pleyado makaraang pagsa­saksakin ng hindi pa nakilalang salarin habang na­damay naman sa insidente ang isang estudyanteng dalaga nang masaksihan ang insidente sa loob ng inuupahan nilang apartment sa Lipa City, Batangas kamakalawa.


Dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Carmela Par, dalaga, LIMA employee at taga Lemery.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Metro Lipa Medical Center ang biktimang si Cheriemay Villamin, 20, dalaga, estuyante ng Lyceum of the Philippines University-Lipa Campus.


Ayon kay  PO3 June Gonzales, may hawak ng kaso dakong alas-3 ng madaling-araw nang magising si Villamin sa kalabugan at sigaw ni Par na nagmumula sa kaniyang comfort room sa kanilang apartment sa  Purok 3, Brgy. Bugtongnapulo ng lungsod.

Laking gulat at napa­sigaw naman ang biktima ng masaksihan ang salarin na armado ng matalas na patalim habang pinagsa­saksak si Par kaya ito naman ang napagbalingan at inundayan din ng sunud-sunod na saksak bago tumakas.

Sa kabila ng sugatan ay nagawang makahingi ng tulong ni Villamin sa kaniyang mga kapitbahay at nadala pa ang mga ito sa pagamutan pero hindi na naisalba si Par.  Ang kasong ito ay iniimbestigahan na. 

 

Show comments