Bisor sa pinyahan, itinumba

NORTH COTABATO, Philippines - – Pinabulagta ang 36-anyos na supervisor ng pinyahan makaraang pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa bayan ng Tupi, South Cotabato kamakalawa. Limang tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Joemer Tupas, may asawa, at bisor sa kompanya ng pinyahan. Base sa police report, lumilitaw na nangangasiwa ang biktima sa kanyang mga tauhan sa pinyahan nang lapitan at ratratin ng dalawang lalaki. Labis na paghihinagpis naman ang nararamdaman ng kanyang pamilya, at humihingi ng hustisya sa nasabing kaso.

Show comments