Kagawad, itinumba sa harap ng misis

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Pinagbabaril at napatay sa harapan ng kaniyang misis ang isang Brgy. Kagawad ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin na nakasuot ng bonet sa bayan ng Villaverde ng lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Inspector Jeofrey Bullong, hepe ng Villaverde Police ang nasawing biktima na si Anader Pundinlan, 39, Barangay Councilor at residente ng Purok 1 Brgy. Ocapon, Villaverde. Idineklara itong dead on arrival sa pagamutan sa dami ng balang tumama sa kaniyang katawan.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng pulisya, dakong alas- 7 ng gabi  habang nasa loob ng bahay ang biktima kasama ang kanyang misis na si Luz nang bigla silang pasukin ng mga naka-bonnet na kalala­kihan at agad pinagbabaril ang kagawad. Ang mga suspek ay agad nagsitakas sakay ng TMX na motorsiklo.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang 2 basyo ng cal. 9mm na baril, 1 nadeporma na bala ng 9mm at 2 shot gun pellets.

Show comments