MANILA, Philippines – Dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P14 milyon ang nasabat mula sa isang mag-asawa sa Iligan City.
Nakilala ang mga suspek na sina Taha Abdullahm at asawang s Anisa na kapwa 42-taong gulang na residente ng Santiago street Orchid Homes, Iligan City.
Nadakip ang dalawa matapos makatanggap ng tip ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may ipinadalang package na may lamang shabu para sa mag-asawa.
"Taha and Anisah are the incumbent barangay councilor and barangay treasurer, respectively of Barangay Batuan, Balabagan, Lanao del Sur," pahayag ni PDEA chief Arturo Cacdac Jr.
Idineklara ang bagahe bilang speaker box na mula ng Letre sa Malabon City.
Bukod sa shabu na ipinadala, may nakuha pang dalawang pakete sa loob ng kanilang sasakyan na nasa 10 gramo ang timbang at nagkakahalaga ng P80,000.
Nakakulong ngayon ang dalawa sa PDEA RO10 jail facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Delivery of Dangerous Drugs) under Article II, of Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.