Notoryus na karnaper, arestado

CAMARINES NORTE, Philippines -Nagwakas ang mahabang panahong pagtatago sa batas ng 60-anyos na  lalaki na may mga kasong kriminal makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa kanilang bahay sa Zone 1,  Barangay Hobo, bayan ng Minalabac, Camarines Sur kamakalawa. Inaresto ang suspek na si Cezar Taguilid sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Manuel B. Sta Cruz Jr. ng Quezon City Regional Trial Court Branch 226. Ang suspek ay nahaharap sa 7-counts sa paglabag sa RA 6539 (Anti-Carnapping Act of 1972) at  may piyansang P1.2 milyon para sa pansamantalang kalayaan.

Show comments