Lover ni misis pinugutan

BULACAN, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 25-anyos na obrero matapos itong pugutan ng kabarong obrero dahil sa tsismis na lover ng kanyang misis ang una sa Barangay Bagong Buhay 1, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ronell Patangan ng Magra Road sa Sapang Palay. Ayon kay PO3 Christian Atendido, nasa tindahan ng video games ang biktima nang lapitan  at tagpasin ang kanyang leeg ng suspek na si Jun Diaz ng Sampol Market sa nasabing barangay. Lumilitaw na ikinagalit ng suspek ang balitang kumakalat na ang biktima ay lover ng kanyang misis.

Show comments