LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Nagpasalubong kay kamatayan ang 18-anyos na dalaga na sinasabing kinalasan ng kanyang nobyo makaraang magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Puro, Legazpi City, Albay kamakalawa ng gabi. Bandang alas-6 ng gabi ng matagpuan ang nakabiting katawan ng biktimang si Lalaine Esquilla sa kanyang kuwarto kung saan naisugod pa ito sa Albay Doctor’s subalit idineklarang patay. Huling namataang buhay ang biktima na nakikipagtalo sa kanyang nobyo kung saan sinasabing nauwi sa hiwalayan ng magkasintahan. Pinaniniwalaang dinamdam ng biktima ang pagkalas ng kanyang nobyo sa kanilang relasyon kaya nagdesisyong magpasalubong kay kamatayan.