MANILA, Philippines – Tiklo ang isang kapitan ng barangay sa Eastern Samar matapos mahuling nagtutulak ng ilegal na droga.
Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency ang suspek na si Nestor Cunanan, 49, ng Barangay 3, Guiuan, Eastern Samar.
Nasakote sa isang sting operation si Cunanan nitong kamakalawa kung saan nabawian siya ng isang pakete ng shabu.
Nakuha din sa kapitan ng barangay ang P1,000 marked money na ginamit ng mga tauhan ng PDEA Regional Office 8.
Nahaharap si Cunanan sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.