Lover ni misis pinatay sa gulpi ng mister

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinatay sa gulpi ang 24-anyos na farm helper matapos maaktuhang nakikipagtalik sa misis ng kanyang amo sa masukal na likuran ng kanilang bahay sa Barangay Palayag, bayan ng Amulung, Cagayan kamakalawa ng gabi.


Kinilala ni P/Senior Insp. Edwin Aragon, hepe ng Amulung PNP ang biktima na si Ronnie Matalang habang nasakote naman ang suspek na si Romeo Tania, 44, kapwa residente ng nasabing lugar. 


Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagpaalam bumili ng pulutan ang biktima sa gitna ng pakikipag-inuman nito sa mag-amo sa kanyang bahay.


Subalit nakalipas na ang ilang oras ay nainip ang suspek kaya sinundan ang biktima kung saan naabutan nitong nililingkis ang kanyang misis sa ilalim ng kawayan sa likuran ng kanilang bahay. 


Matapos gulpihin hanggang mapatay ang biktima ay sinunod ng suspek na gulpihin ang sariling misis na tumanggi nang magsampa ng kaso laban sa kanya.

Nasa rehas na bakal at pormal na kakasuhan ang suspek na humaharap sa kasong homicide matapos mapatay ang kanyang helper.

Show comments