^

Probinsiya

Baha nanalasa: 4 utas, 7 barangay lubog

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines  â€“ Apat-katao ang namatay habang pito namang barangay ang lumubog sa tubig-baha sa patuloy buhos ng ulan sa magkakahiwalay na bayan sa lalawigan ng North Cotabato kamakalawa.

Sa ulat ni Provincial Disaster Risk Reduction Officer Cynthia Ortega, unang nila­mon ng tubig-baha ang mag-utol na batang sina Shelron Jave Brania, 5; at Roneil Jeff Brania matapos matagpuan sa drainage malapit lamang sa kanilang bahay sa Barangay Tibao, bayan ng M’lang.

Nabatid na nagpaalam ang mag-utol sa kanilang nanay na si Shiela na makikinood ng telebisyon sa kapitbahay pero hindi na nakabalik noong Miyerkules.

Pinaniniwalaang unang nahulog sa man-made canal ang bunso nitong si Shelron kung saan tinulungan ito ng kanyang kuya na si Ronel pero sa halip na mailigtas ang nakababatang kapatid ay nahulog din ito.

Samantala, nilamon din ng tubig-baha ang 53-anyos na si Wilson Abensay habang tumatawid sa ilog sa bayan ng Makilala, North Cotabato

Naitala naman ang isa pang patay sa bayan ng President Roxas na natagpuan namang lumulutang  sa Kabacan River ang hindi pa kilalang lalaki.

Sa hiwalay namang ulat ni Kabacan Municipal Social Welfare and Officer Susan Macalipat, aabot sa 3,831 pamilya mula sa pitong barangay sa bayan ng Kabacan ang apektado ng tubig-baha dahil sa patuloy na buhos ng ulan.

Kabilang sa apektado ay ang mga Barangay Dagupan, Cuyapon, Upper Paatan, Karidtuan, Poblacion, Lower Paatan, at ang Barangay Aringay.

 

BARANGAY ARINGAY

BARANGAY DAGUPAN

BARANGAY TIBAO

KABACAN MUNICIPAL SOCIAL WELFARE AND OFFICER SUSAN MACALIPAT

KABACAN RIVER

LOWER PAATAN

NORTH COTABATO

OFFICER CYNTHIA ORTEGA

PRESIDENT ROXAS

PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with