Mister kisay sa kuryente

MANILA, Philippines - Naging mitsa ng buhay ng 36-anyos na mister ang pangunguryente ng palaka matapos na aksidenteng mahawakan nito ang GI pipe na nakakabit sa poste ng kur­yente sa Barangay Pogo, bayan ng Bautista, Pangasinan kamakalawa ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Sterling Blanco, PNP director ng Pangasinan, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi noong Biyernes habang nangunguryente ng palaka ang biktimang si Roberto Lacern sa  di-kalayuan sa kanyang bahay. Nagawa pang maisugod sa Bayambang District Hospital subalit namatay din ang biktima dahil sa lakas ng boltahe ng kuryente na pumasok sa kanyang katawan.

 

Show comments