12 dakma sa illegal fishing

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - – Labindalawa-katao ang dinakma ng mga awtoridad makaraang maaktuhan sa illegal fishing sa karagatang sakop ng mga Barangay Tug­han, Barangay Biriran, at sa Barangay Binanuahan, bayan ng Juban, Sorsogon kahapon ng madaling araw. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Rodeto Alim, Allan Alim, Ricardo Ramos, Fernando Jamon, George Hapin, Alfredo Agripa, Isidro Albanico, Joneel Omac, Sammy Francisco at Elvin Blangka, Castilla, Sorsogon, Arlan Del Ayre, at si Michael Lagamayo. Nasamsam sa mga suspek ang anim na motorized bangka, anim na compressor tank at mga gamit sa pangingisda.

Show comments