P20-M nilimas ng akyat-bahay

BULACAN , Philippines   â€“ Aabot sa P20 milyong halaga ng ari-arian ang ang naglaho makaraang looban ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang ang  tahanan ng retiradong kawani ng Napocor sa Barangay San Roque, bayan ng Angat, Bulacan kahapon ng umaga. Pormal namang nagreklamo sa himpilan ng pulisya ang  biktimang si Dionisio Angeles, 72, ng nasabing barangay. Base sa imbestigasyon ni PO3 Reynaldo Bolisay, bago maganap ang nakawan ay nagpasama ang biktima sa kanyang asawa sa shopping mall para bumili ng gamot at aparatos sa kanyang sakit. Gayon pa man, nang bumalik ang mag-asawa sa kanilang bahay ay nagkalat na ang mga gamit kung saan maging ang safety vault na kinalalagyan ng mga titulo ng lupa, mga alahas, treasury bills at policy insurance ay tinangay ng kawatan.

 

Show comments