Mister pinalakol sa inuman

NORTH COTABATO , Philippines  - Patay ang 37-anyos na mister matapos itong palakulin ng kanyang kainuman dahil sa matinding galit noong Biyernes  sa bayan ng Norala, South Cotabato. Kinilala ni P/Chief Inspector George Parcon, hepe ng Norala PNP ang biktima na si Jerry Matalubos ng Barangay Kibid habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Rene Calapong. Nabatid na nagkapikunan ang dalawa habang umiinom ng alak kaugnay sa isyung political kaya pinalakol ng suspek ang biktima na napuruhan naman sa ulo at pisngi.

 

Show comments