Mag-ina pisak sa killer truck

BACOLOD CITY , Philippines   -  Ka­lunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 35-anyos na ina at anak nitong 6-month-old baby makaraang masagasaan ng 10-wheeler truck sa bahagi ng Burgos-Circumferential Road sa Bacolod City, Negros Occidental noong Biyernes ng hapon. Kinilala ng pulisya ang ina na si Maria Fe Arrosa at anak na sanggol na babae na si Jilian, kapwa nakatira sa Relocation Site sa Barangay Vista Alegre sa nasabing lungsod. Base sa police report, bitbit ni Maria Fe ang kanyang anak para tumawid sa nasabing kalsada nang mahagip ng truck na minamaneho ni Rudy Palanog, 36, ng Alimodian, IloIlo. Lumilitaw na hinihintay ng driver na si Palanog na mag-green ang traffic lights nang tumawid ang mag-ina pero nakahinto sa gitna dahil iniwasan ang papara­ting na sasakyan subalit nahagip naman ng truck matapos muling tumawid. Nabatid sa ulat na hindi naman napansin ng driver ang tumatawid na mag-ina kaya naganap ang trahedya. Nahaharap sa kaukulang kasong kriminal ang driver na si Palanog habang nakakulong sa himpilan ng pulisya.

Show comments