Lider ng child prostitution, tiklo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  - Nasakote ng mga ope­ratiba ng pulisya ang sinasabing lider ng sindikato ng child prostitution sa inilatag na operasyon sa Barangay Toran, bayan  ng Aparri, Cagayan kamakalawa. 
Sa inilabas na warrant of arrest na inisyu ni Judge Melchor Pascual Jr. ng Regional Trial Court na may mga kasong child trafficking, kinilala ang suspek na si Siraj “Butch” Arimao. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Mina Domingo, sinasabing sangkot ang akusado sa pagrekrut ng mga kabataan na ibinebenta sa mga pedophiles at sa mga cybersex den.


 

Show comments