^

Probinsiya

5 rebelde todas, 2 tiklo sa Sorsogon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang 90 minutong engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at militar, limang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi, habang dalawa ang nadakip ngayong Biyernes sa Matnog, Sorsogon.

Sinabi ng tagapagsalita ng Armed Forces Southern Luzon Command (SOLCOM) na sumiklab ang palitan ng putok bandang 5:40 ng umaga sa Sitio Hukdong, Barangay Balocawe.

Nakilala ang mga nasawi na sina Sonny Pajarello, “Ka Ryan,” “Ka Buchokoy,” Elias Gardoque at isang “Ka Randy,” na pinaniniwalaang pinuno ng kanilang pangkat.

Nadakip naman ang dalawang babaeng sina Maricel Remon alyas “Russel” at si Intia Gardoque.

Wala namang naitalang sugatan sa hanay ng mga sundalo.

Narekober ng mga awtoridad ang dalawang M653 carbine rifle, dalawang M16 rifle at isang M203 grenade launcher mula sa mga rebelde.

Iniutos ni SOLCOM chief Lt. Gen. Caesar Ordoyo ang papapalabas ng dalawang UH-1H helicopters para sa aerial combat support habang tinutugis ng mga sundalo ang iba pang rebeldeng nakatakas.

Sinabi ni Ordoyo na napigilan nila ang pag-atake ng mga NPA sa himipilan ng mga pulis at munisipyo.
 

vuukle comment

ARMED FORCES SOUTHERN LUZON COMMAND

BARANGAY BALOCAWE

CAESAR ORDOYO

ELIAS GARDOQUE

INTIA GARDOQUE

KA BUCHOKOY

KA RANDY

KA RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with