MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Negros Occidental ngayong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ng Phivolcs ang sentro ng lindol 68 kilometro timog-kanluran ng bayan ng Hinoba-an, kaninang 4:17 ng umaga.
May lalim na 31 kilometro ang lindol.
Naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity 3 sa Basay, Negros Oriental atSipalay, Negros Occidental, habang Intensity 2 naman sa Dumaguete City at bayan ng Tayasan sa Negros Occidental.
Intensity 1 naman ang naranasan sa Iloilo city.
Ang naturang lindol ay isang aftershock mula sa magnitude 6.3 na lindol sa probinsiya noong Mayo 15.