2 tiklo sa 8-sako ng ‘damo’

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  â€“ Dalawa-katao na sinasabing nagpapakalat ng ‘damo’ sa Kalakhang Maynila ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya matapos masamsaman ng 63 na bricks na pinatuyong dahon ng marijuana sa Sitio Kilat, Barangay Bumbuneg sa bayan ng San Gabriel, La Union kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ni La Union PNP director P/Senior Supt. Ramon Rafael ang mga suspek na sina Elvin Cunsulta ng Esperanza, Masbate; at Lavin Dummao ng Barangay Balbalayang, bayan ng San Gabriel.

Tinangka pa ng mga suspek na itapon sa bangin ang  36-pira­song nakarolyong pinatuyong talbos ng marijuana subalit naagapan naman ng pulisya.

Ayon sa pulisya, lulan ng Inno­va (UVO 519) na sinasa­bing pag-aari ni Henry Basi­ngat Jr. ng Baguio City nang masabat ang mga suspek na may walong sako ng marijuana bricks na dadalhin sana sa Metro Manila.

 

Show comments