NORTH COTABATO, Philippines - – Tinatayang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang nawasak makaraang sunugin ng mga rebledeng New People’s Army ang 48 container vans sa compound ng mining company sa Barangay Kimlawis, bayan ng Kiblawan, Davao del Sur kamakalawa.
Ayon kay Colonel Norman Flores, commander ng 1002nd Infantry Brigade, nilusob ng mga rebelde sa pamumuno ni Kumander Joan CasaÂmurin ang field offices ng Sagittarius Mines Incorporated sa nasabing bayan kung saan dinisarmahan ang mga security personnel ng South Davao Development Corporation Inc.
Gayundin inatake ng isa pang grupo ng NPA rebs ang pribadong mining company na nagsasagawa ng eksplorasyon sa bayan ng Columbio, Sultan Kudarat kung saan tinangay ang mga armas ng security personnel.
Naniniwala naman si Flores na naghihigante ang NPA makaraang masakote ng mga awtoridad ang isang lider na Felix “Ka Jing†Armodia noong nakaraang linggo.