BULACAN, Philippines - – Aabot sa P200M halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos masunog ang pabrika ng sinulid at tela na sinasabing tinamaan ng kidlat kamakalawa ng gabi sa Barangay Taal, bayan ng Bocaue, Bulacan. Bandang alas-8:30 ng gabi nang mag-umpisang masunog ang Globetext Corporation na pag-aari ni Macaria Ang na nasa Nicolas Street sa nabanggit na bayan. Base sa imbestigasyon ng pulisÂya, lumilitaw na tinamaan ng matalim na kidlat ang industrial exchaust fan sa bubong ng pabrika habang umuulan.
Gayon pa man, biglang sumiklab ang apoy kung saan kaagad na kumalat sa nakaimbak na mga sinulid at tela sa ikalawang palapag hanggang sa umabot na ito sa buong pabrika.
Kaagad namang rumesÂponde ang mga bumbero mula sa iba’t ibang bayan hanggang sa tuluyang naapula ang apoy bandang alas-3:30 ng madaling araw.
Wala namang nasugaÂtan o namatay na mga trabahador ng nasabing pabrika habang patuloy ang imbestigasyon.