TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Nagdesisyon ang 14-anyos na binatilyo na magpasalubong kay kamatayan kaysa magpa-enroll sa eskwelahan sa darating na pasukan makaraan itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Tagaran, Cauayan City, Isabela kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Raffy RodÂriguez na natagpuan ng kanyang mga magulang na nakabitin sa kanyang kuwarto.
Ayon sa ama ng biktima na si Edgar, naging matamlay ang anak simula nang paghandain niya itong mag-enroll sa kanilang paaralan sa darating na pasukan.
Tumanggi nang isaiÂlalim ng mga magulang sa post-mortem examination ang bangkay ng biktima.