BATAAN, Philippines – Brutal na pinatay ang mag-asawang negosÂyante makaraang pagnakawan ay pinagpapalo pa ng mga di-kilalang kalalakihan na miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa Barangay Sapa, bayan ng Samal, Bataan kahapon ng umaga.
Basag ang bao ng ulo ng mag-asawang Rolando Cortez at Flordeliza Cortez, kapwa 75-anyos at may negosyong pagpapautang.
Base sa police report, natagpuan ng kasambahay ang mag-asawang duguan sa gilid ng pag-aaring owner-typ jeep sa garahe ng kanilang bahay bandang alas-6 ng umaga.
Nagkalat ang mga damit at gamit sa loob ng bahay ng mga biktima habang ang lalagyan ng mga alahas at pera ay ang mga sekretong lagayan ng mga pera at alahas ay winasak. Nawawala rin ang mga alahas na nakasuot sa tenga at leeg ng matandang babae habang di-naman kinuha ang relo ng lalaki habang patuloy naman ang imbestigasyon.