3 tumba sa pamamaril

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines   â€“ Tatlo-katao ang napatay matapos ratratin ng mga armadong kalalakihan sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Sungadan, bayan ng Paoay, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi.  Kinilala ang mga biktima na sina John Roy Abuy ng Barangay Pasil, bayan ng Paoay; Don Campanilla, at si Teddy Tabin na kapwa nakatira sa Barangay Pias, bayan ng Currimao, Ilocos Norte. Narekober sa crime scene ang ilang plastic sachet na shabu at isang baril. Sa ngayon ay blanko pa rin ang pulisya sa katauhan ng mga biktima kaya masusing imbestigasyon ang isinasagawa para sa anumang impormasyon na maaring makatulong sa paglutas sa nasabing kaso.

Show comments