CAMARINES NORTE , Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 65-anyos na ina makaraang pagtatagain ng sariÂling anak na lalaki na sinasabing may kapansanan sa pag-iisip kamakalawa ng gabi sa Barangay San Pablo, bayan ng Calabanga, Camarines Sur. Kinilala ang napatay na si Henrietta Pojo habang nasakote naman ang suspek na si Joseph Pojo, 31, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Base sa police report, natutulog ang biktima nang pasukin sa kuwarto ng kanyang anak na sinasabing sinumpong sa pag-iisip. Pinagtataga ng suspek ang kanyang ina na nagmamakaawa sa kanyang harapan na sinasabing narinig ng ilang kapitbahay. Nasa pangangalaga na ng Calabanga PNP ang suspek at inihahanda na ang kasong parricide habang ito ay isasailalim sa pagsusuri.