Bata nakuryente

MANILA, Philippines - Patay ang isang anim na taong batang lalaki matapos itong aksidenteng makuryente sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Angelo Chavez, residente ng Sitio Taguan, Brgy. Bukal Sur ng bayang ito.

Sa ulat ng Candelaria Police, bandang alas- 6 ng gabi habang ang biktima ay naglalaro sa labas ng kanilang tahanan sa nasabing lugar ng mangyari ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon, aksidenteng nahawakan ng biktima ang nakalaylay na live wire bunsod upang bigla na lamang itong magkikisay.

Ang biktima ay nagtamo ng 1st degree burn sa kaniyang leeg  na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay nabigo ng masagip ang buhay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

Show comments