^

Probinsiya

3 wanted na mag-utol timbog

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines - - Matapos ang halos 5 taong pagtatago sa batas, naaresto ng pulisya ang tatlong mag-utol na lalaki na wanted sa kasong murder sa operasyon sa Brgy. Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.

Pinangunahan ni Sr. Inspector Elizor Dy-Cok, hepe ng pulisya sa Baao, Camarines Sur sa pakikipagkoordinasyon sa Paracale Police ang pag-aresto sa  mga suspek.

Kinilala ang mga suspek na sina Eliseo Dancalan Jr., 38 anyos; Bilmore Dancalan, 30 at Edgar Dancalan, 42 anyos.  Ang mga ito ay nasakote sa kanilang tahanan sa Brgy. Bagumbayan, Paracale sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Timoteo Panga Jr., Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 60-Iriga City.

Ang magkapatid ay matagal ng pinaghahanap ng batas sa kasong murder kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte sa kanilang pagkakaaresto.

BAGUMBAYAN

BILMORE DANCALAN

BRGY

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

EDGAR DANCALAN

ELISEO DANCALAN JR.

IRIGA CITY

JUDGE TIMOTEO PANGA JR.

PARACALE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with