MANILA, Philippines - Naitala sa Isabela City, Basilan ang pinakamainit na panahon sa bansa noong Huwebes kung saan umabot sa 39.7 degrees Celsius ang temperature. Sa ulat ng weather forecaster ng PagAsa na si Manny Mendoza, pumalo sa pinakamainit ang temperatura sa nasabing lungsod bandang alas-3 ng hapon noong Mayo 15. Maging sa Tuguegarao City sa Cagayan na nakapagtala ng 39°C na temperatura, Cabanatuan City ay pumalo sa 38°C habang sa Science Garden sa Quezon City ay 35.9°C at 35.5°C sa Angeles City, Pampanga. Gayon pa man, maaari namang makaranas ng pag ulan sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa epekto ng intertropical convergence zone (ITCZ) at maging sa Metro Manila.