NORTH COTABATO, Philippines - - Umaabot sa 4,200 ektarÂyang sakahan ang apektado ng matinding tag-init sa lalawigan ng Maguindanao. Sa pahayag ni Atty. Macmod Mending Jr., hepe ng DAF-ARMM, kabilang sa apektadong mga bayan ay ang Datu Hoffer, North Upi, Talayan at ang bayan ng Datu Odin Sinsuat. Karamihan sa naapektuhang pananim ay ang plantasyon ng mais sa apat na bayan sa Maguindanao, ayon sa ulat ng Department of Agriculture and Fisheries - Autonomous Region in Muslim Mindanao (DAF-ARMM). Kaugnay nito, umabot naman sa P2.9 milyong halaga ng pananim ang naapektuhan sa kasalukuyan dahil sa matinding tag-init na nararanasan sa nabanggit na lalawigan.