NORTH COTABATO, Philippines - - Pansamantalang isinara sa mga turista ang pamosong Asik-asik Falls matapos na pumutok ang cholera outbreak na nag-iwan ng walo-katao ang patay habang 601 ang naapektuhan mula sa tatlong barangay sa bayan ng Alamada, North Cotabato.
Ito ang inihayag ni Melissa Bagsican, municipal information officer na temporary munang isinara sa mga dumadayong turista ang Asik-asik Falls hanggang di-nagpapalabas ang mga health officials na outbreak free ang nasabing lugar.
Gayon pa man, may inilabas nang resulta pero tumangging ihayag ng ilang doktor sa hindi nabatid na dahilan.
Nabatid na ang Asik-asik Falls ay pangunahing tourist destination sa nasabing lalawigan kung saan nasa Sitio Dulao, Brgy. Dado na sinasabing naapektuhan ng outbreak.
Sa pinakahuling datos ni Municipal Administrator Ruben Cadava, aabot sa 67 pasyente ay nakarekober mula sa pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka.
Tiniyak naman ng opisÂyal na malinis ang tubig na iniinum ngayon ng mga residente mula sa tatlong barangay na naapektuhan ng nasabing outbreak dahil bumuhos ang tulong mula sa pribado at pampublikong sektor na tumugon sa panawagan ng mga lokal na pamahalaan ng Alamada.
“Malinis namang tubig mula sa firetruck ng Bureau of Fire ang dinadala sa mga Barangay Dado, Lower Dado at sa Barangay Pigcawaran,†ayon kay Cadava.
Una rito, sinabi ng administrador na ang mga nabanggit na barangay ay hindi pa naabot ng programang Salin-Tubig ng pamahalaang nasyunal maliban lamang sa Barangay Lower Dado na naging benepisyaryo ng MRDP.
Samantala, tumangging ihayag ni Cadava ang resulta ng pagsusuri dahil si Dra. Joy Posada lamang ang maaring magbigay ng opisÂyal na pahayag sa media.
Lubos naman ang pasaÂsalamat ng opisyal sa maÂagap na pagtugon ni Cotabato Gov. Lala Mendoza, kasama na ang mga opisÂyal ng lokal na pamahalaan, hukbong Lakas ng Pilipinas, PNP, mga pribadong sektor at iba pa sa mga ipinadalang tulong partikular na ang malinis na tubig, gamot at tulong ng mga doktor.