MANILA, Philippines - Niyanig ng 6.3 magnitude na lindol ang karagatang bahagi ng Negros Occidental noong Huwebes ng gabi. Sa ulat ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng lindol sa layong 49 kilometro sa timog-kanluran ng Hinoba-an, Negros Occidental. Gayundin, naramdaman ang intensity 5 sa bayan ng Hinoba-an, Negros Occidental, habang intensity 4 sa Iloilo City, Bago City, Pandan, Antique, Basay, Sipalay sa Negros Occidental. Wala namang iniulat na napinsalang gusali at kabahayan. Ayon sa Phivolcs, ang lindol ay bunga ng paggalaw ng Negros trench. Inaasahan naman ang aftershocks kaugnay ng naganap na lindol.