Bus vs trak sa Quezon, 2 patay, 13 sugatan

MANILA, Philippines - Isang tatlong-taong-gulang na babae ang nasawi matapos banggain ng 10-wheeler trak ang isang pampasaherong bus sa lungsod ng Quezon ngayong Miyerkules.

Nakilala ang biktimang si Precious Denice de Roma, habang hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng isa pang nasawing biktima na kapwa pasahero ng Raymond Bus.

Bukod sa dalawang nasawi, sugatan din ang 13 pang pasahero ng bus.

Ayon sa pangunang imbestigasyon, biyaheng pa-Maynila ang bus nang mangyari ang aksidente sa Diversion Road, Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon bandang 12:30 ng madaling araw.

Binangga ng trak ang kasalubong na bus dahilan upang mawalan ng kontrol ang pampasaherong sasakyan.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang tsuper ng bus, habang nakatakas ang nagmamaneho ng trak.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

Show comments