Inhinyero todas sa kuryente
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa isang inhinyero habang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan matapos makuryente sa ginagawang deep well sa Barangay Baretbet, bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya, ayon sa ulat kahapon. Hindi na naisugod sa ospital ang bikrtimang si Engr. Dandy Daza, plant engineer at residente ng Samar, Leyte. Isinugod naman sa PLTC Hospital sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya ang mga sugatang sina Engr. Leo Palmes, surveyor, ng Mauban, Quezon at Cirilo Laquimen, quality control officer at nakatira sa bayan ng San Miguel, Bulacan. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakuryente ang mga biktima sa dropwire na nakasabit sa punungkahoy habang nag-aayos ng steel pipe para sa motor installation ng deep well sa Purok 1.
- Latest