Pulis nilikida ng tandem

MANILA, Philippines - Napatay ang beteranong pulis makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa naganap na pananambang sa bahagi ng Jumbo Bridge, Cadena de Amor, Guiwan, Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/ Inspector Robert Ortega , PNP regional spokesman ang biktima na si SPO1 Mamduh Abubakar Balahim, nakatalaga sa Isabela City PNP sa Basilan. Anim na bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay biktima na kasalukuyang schooling sa Disaster Search and Rescue Management Training Unit sa Camp Col. Abendan Mercedes sa Zamboanga City. Napag-alamang nagmomotorsiklo ang biktima nang ratratin ng mga maskaradong lalaki na sakay din ng motorsiklo pagsapit sa nasabing tulay. Narekober sa crime scene ang walong basyo ng bala ng cal. 45 pistol at ang cal. 9mm Beretta service pistol ng biktima na nabigong tangayin ng gunmen.

Show comments