Bodyguard ng alkalde, itinumba

BULACAN , Philippines   â€“ Pinabulagta ang 39-anyos na bodyguard ng alkalde matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki  habang papasok ng subdivision sa Barangay Sabang, bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Virgilio Valdez ng Barangay Buhol na Mangga at sinasabing close-in-security aide ni San Ildefonso Mayor Gerald Galvez. Sa imbestigasyon nina PO3 Dante Castillo at PO2 George Cruz, lumilitaw na nag­lalakad ang biktima kasama ang isang babae nang lapitan at ratratin ng gunman sa Miraflora Subdivision. Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong love triangle ang isa sa motibo sa pamamaslang.

 

Show comments