Bohol, Catanduanes nilindol

MANILA, Philippines - Binulabog ng magkakasunod na pagyanig ang Bohol at Catanduanes kahapon. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang  pagyanig sa hilagang Silangan ng Tagbilaran City bandang alas-11:13 ng umaga. Naramdaman ang Intensity 3 sa mga bayan ng Inabanga at Clarin sa Bohol; intensity 2 sa Lapu-Lapu City, Cebu; at intensity 1 sa Mandaue City. Gayunman, tectonic ang origin nito. Samantala, naitala ang intensity 4 sa bayan ng Sagbayan, Bohol, habang intensity 3 naman sa bayan ng Antequera, Bohol. Niyanig din ng magnitude 4.2 na lindol sa hilagang-kanluran ng bayan ng Pandan, Catanduanes kahapon ng umaga. Walang inaasahang aftershock matapos ang pagyanig dahil malayo umano ito sa kalupaan.

 

Show comments