Cloud seeding sa dam, naantala
MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines - Naantala ang isasagawang cloud seeding sa Angat Dam na sinasabing nasa kritikal level ang tubig nito makaraang hindi makakuha ng permiso mula sa pamunuan ng CAAP, ayon sa ulat kahapon.
“Baka naghigpit daw after the Nueva Vizcaya incident,†pahayag ni Cruz-Sta. Rita, pangulo ng Napocor kaugnay sa pagbagsak ng eroplano sa bayan ng Bagabag, Nueva Vizacaya kung saan apat-katao ang namatay, kabilang ang tatlong kawani ng Bureau of Soils and Water Management.
Nilinaw din ni Cruz-Sta. Rita na hindi na pasasakayin ng eroplano ang mga kinatawan ng BSWM para sa cloud seeding sa Angat Dam.
“Air Force na ang kasama ng pilot. Supervision na lang sila,†dagdag pa ni Cruz-Sta. Rita.
Kaugnay nito, inamin ng National Power Corporation (Napocor) na hindi pa nasisimulan ang planong cloud seeding operation sa nasabing dam dahil hindi pa sila nabibigyan ng clearance ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ayon kay Engr. Rodolfo German, general manager ng Angat River Hydroelectric Power Plant (Arhepp), ang pagsayad sa 180 metrong lebel ng tubig sa dam ay naÂngangahulugan na pansaÂmantalang ititigil ang alokasyon para sa irigasyon ng mga magsasaka sa Bulacan at Pampanga.
Nabatid din na ang pagpapatigil ng alokasyon sa mga magsasaka ay isang hakbang upang matiyak na masusustinihan ang tubig-inumin sa Kalakhang Maynila hanggang sa sumapit ang tag-ulan.
- Latest