BULACAN , Philippines - Sa halip na ipagdiwang ang Mother’s Day ay nagpasalubong kay kamatayan ang 28-anyos na babae na sinasabing nabuntis ng kanyang manliligaw matapos itong tuÂmalon sa ilog sa Barangay Bañga 1st, bayan ng Plaridel, Bulacan kahapon.
Natagpuang nakalutang sa gilid ng Angat River ang bangkay ng biktimang si Karen Batalla ng Hilario Compound, Barangay Sta. Rita sa bayan ng Guiguinto, Bulacan.
Sa ulat ng pulisya, huÂling namataang buhay ang biktima na kausap ang kaibigang si Mary Ann Qubic kung saan ipinagtapat nito na ilang buwang na siyang buntis mula sa manliligaw na may asawang nasa abroad.
Nagpahiwatig din ang biktima na magpapatiwakal dahil sa takot na makaraÂting sa kanyang mga kaanak ang pagbubuntis.
Sinubukan pang pakalÂmahin ng kaibigan ang baÂlak ng biktimang desperado sa kakaharaping buhay.
Lingid sa kaalaman ni Mary Ann na may masamang balak ang kanyang kaibigan na sinasabing tinungo ang gilid ng nasabing ilog saka nagpasalubong kay kamatayan.