Babae binoga

MANILA, Philippines - Sabog ang bungo ng isang ginang matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang riding in tandem na mga armadong salarin  sa Zamboanga City kama­kalawa ng gabi.

Dead-on-the-arrival sa Western Mindanao Medical Center Hospital ang biktimang nakilalang si Madelyn Almendras, 31, residente ng Don Toribio St., Tetuan, Zamboanga City.

Batay sa ulat na nakara­ting sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi  malapit sa Hash Tag Restaurant and Beer House na matatagpuan sa Natividad Street, Tetuan ng lungsod.

Ayon sa pulisya, sinundo ang biktima ng pinsan nitong si Rodel Almendras pauwi sa kanilang tahanan ng sundan at dikitan ng dalawang salarin na lulan rin ng motorsiklo saka pagbabarilin sa ulo. Narekober sa crime scene  ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

 

Show comments