Tuguegarao City, Philippines – Dahil sa pambabato ng mga pasaway sa lansaÂngan, tatlo katao ang nasawi habang 14 pa ang naÂsugatan makaraang maÂging mitsa ito ng pagkahulog ng isang pampasaherong bus sa malalim na kanal sa Burgos, Ilocos Norte nitong Sabado ng madaling-araw.
Kinilala ang mga nasawi na sina Beverly Palma, 22-anyos; Hilda Acobo, 29; at Jill Bacuyag, 19-taong gulang. Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Bangui District Hospital ang mga nasugatang biktima.
Sa ulat ng Ilocos Norte Police, bandang alas-2:45 ng madaling araw ng maganap ang sakuna sa naÂtional highway ng Brgy. Saoit, Burgos ng lalawigang ito.
Base sa inisyal na pagsisiyasat galing Cagayan at biyaheng Vigan City, Ilocos Sur ang GMW bus (BVD 621 ) nang aksidente itong mahulog sa isang malalim na kanal sa tabi ng highway.
Ayon sa driver ng bus na si Roel Trinidad, may biglang bumato sa winshield ng bus kaya nawalan siya ng kontrol sa manibela kung saan dumeretso sa kanal ang behikulo na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima.
Isinailalim naman sa kustodya ng pulisya ang driver ng bus na ngayo’y nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at serious phyÂsical injury and damage to property. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kasong ito.
Nabatid na ang GMW Trans Inc. ay sister company ng Florida Bus na naaksidente at kumitil ng buhay ng 14 katao kabilang ang komedyanteng si Tado Jimenez sa Banaue –Bontoc road sa Mountain Province noong nakalipas na Pebrero.