^

Probinsiya

Police applicant utas sa 3km run

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na magkakaroon ng katuparan ang pangarap ng 25-anyos na babaeng aplikanteng pulis matapos itong mamatay habang sumasailalim sa agility test sa pamamagitan ng 3KM run sa Police Regional Office (PRO) 9 sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Ayon kay P/Senior Inspector Robert Ortega, spokesman ng PRO 9, kinilala ang biktimang si Marichel Dagsan na namatay habang ginagamot sa Zamboanga City Medical Center.

Si Dagsan na taga-Alicia, Zamboanga Sibugay ay dinala sa nasabing pagamutan kamakalawa ng umaga matapos itong sumabak sa 3 kilo­meter run na bahagi ng pagsubok sa kakayahang pi­sikal ng mga aplikanteng pulis.

Nabatid na nasa 160 apli­kanteng pulis ang suma­ilalim sa nasabing test sa Camp Romeo Abendan kung saan nakumpleto naman ni Dagsan ang 3 KM run pero namutla ito, hinahabol ang paghinga at dinala sa hospital dakong alas-9:45 ng umaga.

Gayon pa man, habang nasa pagamutan ay dumanas ng kombulsyon si Dagsan hanggang sa bawian ito ng buhay.

Idineklara naman ng mga manggagamot na namatay ang biktima dahil sa hypoxic ischaenic encephalopathy secondary to status epilep­ticus o kinapos ng oxygen sa utak.

ALICIA

CAMP ROMEO ABENDAN

DAGSAN

MARICHEL DAGSAN

POLICE REGIONAL OFFICE

SENIOR INSPECTOR ROBERT ORTEGA

SI DAGSAN

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY MEDICAL CENTER

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with