Trak nahulog sa bangin sa Laguna, 4 patay

MANILA, Philippines - Apat katao ang nasawi at anim pa ang nasugatan nang mahulog ang isang trak sa isang bangin sa Laguna ngayong Biyernes ng umaga.

Ayon sa pangunang imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang Elf truck na minamaneho ni Domingo Arsulacia dahilan upang tumilapon ito sa bangin sa Brgy. Ilayang Banga sa bayan ng Majayjay.

Patungo sana ng Sariaya, Quezon ang trak nang maganap ang aksidente bandang 5:30 ng umaga.

Dalawa ang kaagad namatay at ang dalawa pa ay binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Show comments