Bus tumilapon sa bangin sa Aurora - report

WikiMedia/Mike Gonzalez

MANILA, Philippines – Isang pampasaherong bus ang nahulog sa isang bangin sa probinsiya ng Aurora ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa isang ulat sa radyo.

Base sa ulat ng dzMM, nahulog sa 15-20 talampakang bangin ang Papin Bus Liner (CWC-847) sa Sitio Dimutol, Barangay Dianawan sa bayan ng Maria Aurora.

Biyaheng Cabanatuan ang bus nang maganap ang insidente pasado ala-6 ng umaga.

Isinugod ang 21 pasahero sa Aurora Provincial Hospital, dagdag ng ulat.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang tsuper ng bus na nakilalang si Celestino Marzan.

Wala namang naiulat na nasawi sa insidente.

Show comments