CAMARINES NORTE, Philippines - Bulagta ang 42-anyos na bank manager matapos pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa madilim na bahagi ng San Lorenzo Ruiz Road sa Purok 2, Barangay Magang sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Supt. Paul Abay ang biktima na si RoÂger Abay, bank maÂnager ng Bank of Makati Daet Branch at nakatira sa Greenwood Subd., Barangay CalasgaÂsan.
Lumilitaw na papauwi ang biktima lulan ng motorsiklo kaangkas ang kanyang mag-ina nang mahulog ang tsinelas ng bata.
Gayon pa man, bumaba sa motorsiklo ang misis ng biktima para balikan ang tsinelas kung saan nang bumalik ang misis na si Cyrel ay bumulaga ang duguang katawan ng kanyang mister.
Ayon pa sa ulat, wala namang narinig na putok ng baril ang misis ng biktima na posibleng gumamit ng silencer ang gunmen.