^

Probinsiya

Chinese, Pinoy na bihag ng Abu Sayyaf namataan sa Sulu

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinatago ng mga miyembro ng Abu Sayyaf ang dalawa nilang bihag mula Sabah sa probinsiya ng Sulu, ayon sa isang health official.

Sinabi ng ayaw na magpakilalang opisyal na nakita ng iba pang health worker ang mga bihag na sina Gao Hua Yuan at Marcelia Dayawan.

Dagdag niya na walang planong pakawalaan ng bandidong grupo ang kanilang mga bihag hangga't walang natatanggap na randsom money.

“The problem is the Abu Sayyaf will not just free the victims without any exchange of huge ransom unlike those local victims who were immediately freed after payment of considerable amount as board and lodging,” wika ng source.

Pitong armadong kalalakihan ang tumangay kina Dayawan, 40, at Gao, 29, noong Abril 2 sa Singahmata Reef Resort sa may Semporna, Sabah.

Tiniyak ng mg awtoridad na mababawi nila ang mga bihag anumang araw mula ngayon.

Samantala, naniniwala ang naturang health official na impambibili ng mga Abu Sayyaf ang makukuhang randsom money ng mga malalakas na kalibre ng baril.

“The Abu Sayyaf  members there  are trying to project  a 'Robinhood' [persona]  to the villagers and equipping themselves with high-powered firearms.”

ABRIL

ABU SAYYAF

DAGDAG

DAYAWAN

GAO

GAO HUA YUAN

ITINATAGO

MARCELIA DAYAWAN

SABAH

SINGAHMATA REEF RESORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with