Mag-ama tiklo sa pagnanakaw

QUEZON , Philippines   â€“ Kalaboso ang binagsakan ng mag-ama matapos ireklamo ng dating overseas Filipino workers ng kasong pagnanakaw sa Sta. Clara Subdivision, Barangay Sampaloc 2 sa bayan ng Sa­riaya, Quezon, kamakalawa ng hapon. Pansamantalang nasa custody ng lokal na DSWD ang dalagitang itinago sa pa­ngalang Aila Marie habang nakakulong naman sa rehas na bakal ang ama nito na si Albert Ramos, 46, ng Tarlac.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Joel de Mesa, hepe ng Sariaya PNP, inireklamo si Aila Marie ng ka-live-in nitong si Leonardo Alcance makaraang matuklasan nitong nawawala ang kanyang gintong  kwintas at pulseras na nagkakahalaga ng P.3 milyon at P2,000 cash.

Lumilitaw na tatlong araw nang bisita ni Alcance ang ama ng ka-live-in nito kung saan hindi nito inakala na pagnanakawan siya ng dalagita.

Gayon pa man, nakorner ang mag-ama matapos harangin ng pulisya ang sinasakyang pampasaherong bus sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas na patungong Maynila.

 

Show comments